i was born during the 80s but most of my childhood years was spent during the 90s. kaya ganon ko ka miss ang mga panahong yun.
natatawa na lang ako tuwing naaalala ko yung mga kalokohan, at mga pinagagawa ko sa mga taong yun.
isa-isahin natin yung mga uso na mga paborito during the 90s.
umpisahan natin sa music.
during the 90s hindi pa uso ang pagDOWNLOAD ng songs at hindi uso ang paggamit ng CD. ang uso dati ay tinatawag na pagRECORD gamit CASSETTE TAPE. naalala ko pa dati ang ginagawa namin ng uncle ko before. request ng song sa isang radio station at aabangan ang pag play sa radio para marecord lang.
sa mga panahon ding ito ay nauso ang boyband and girl group. hindi ka in noon kung hindi mo kilala ang mga members ng grupong SPICE GIRLS. abnormal ka din kung wala kang naging crush noon sa grupong BACKSTREETBOYS. at nagsilabasan na ang nsync, moffats, hansons at marami pang iba.
dito ko rin umpisang nagustuhan ang alternative songs. eraserheads, rivermaya, parokya ni edgar ay iilan lang sa mga naging paborito kong filipino artist. kasali rin kaya sa genre ang grupong introvoys? 😀 oasis, no doubt 3rd eye blind naman sa mga foreign artist
isunod naman natin ang mga ilang paborito kong palabas sa t.v.
unahin na natin yung mga hilig ng mga bata– cartoons o animation.
sinong makakalimot sa madramang cedie ang munting prinsepe at ang babaeng version nya na sarah ang munting prinsesa? 😀 kala ko nga magkakaroon ng cedie meets sarah 😀 how about sa walang katapusang(LITERALLY) animation na DRAGON BALL-Z. until now hindi ko pa napapanood ang ending ng animation 😀 teenage mutant ninja turtles— diba apat lang sila? ghostbusters ang naalala ko lang na characters dito ay sina egan,marshmallow man and slimer 🙂 ang sailormoon. sino nga ba mga bida dun? 😀
kung sikat naman na tv series ang paguusapan, hindi ko makaklimutan ang dawson’s creek. hindi naman ako gaanong nahook dito kaya lang halos lahat ng mga kakilala ko ay ito ang pinag uusapan. kung may dawson’s creek ang statea, may tabing ilog naman ang Pinas.
bago pa sumikat ang bubble gang eh una nang nauso ang tropang trumpo.sila ang nagpasikat ng ‘chicken dance!’ at ‘ battle of the brainless. ‘
bihira lang ako mahilig sa mga romantic and drama movie. pero may iilan namin din akong naging paborito at tumatak sa utak ko ang ilang linya. sino ba naman ang makakalimot sa linyang ito ng TITANIC— ‘i’m the king of the world!‘ at ‘you complete me..’ ng JERRY MGUIRE. eto hulaan nyo kungsaang movie ito. ‘ i’m just a girl standing in front of a boy asking him to love her…’ (clue: julia roberts film 😀 )
maliban sa pag laro sa labas ng bahay, meron na ng kingigiliwang game console noon. wala pang psp, ninetendo ds. ang uso pa noon ay ang nakakapanggigil na brick game. 😀 nag umpisa sa 2 in 1 hanggang naging 100 in 1. halos parepareho lang naman ang itsura ng mga laro 😀 bago pa naimbento ang play station, ninetendo wii, xbox 360 ay naadik na ako sa sa family computer. at ang sikat na ‘tape o cartridge’ ay ang larong super mario ( na hanggang ngayon ay paborito kopa rin).nanjan din yung larong excite bike, battle tank at ang contra na hanggang ngayon memorize ko pa rin yung cheat code para dumami ang life ng player :D. naalala ko noon pag naglalaro kami ng famcom, kung ayaw mag play, hinihipang yung ilalim ng cartridge para mawala daw kuno ang alikabok. and actually effective xa :D.
eto lang yung ilan sa mga ginawa ko during the era:). hindi ko na inilagay lahat kasi for sure aabutan ako ng 48 years 😀 .
so miss the 90s. ikaw anong na miss mo. share naman jan 🙂